HINDI NAG-UMPISA | Paguumpisa ng budget deliberation sa plenaryo, naantala

Manila, Philippine – Nabalot ng tensyon ang pag-uumpisa ng budget deliberation sa plenaryo ngayong araw.

Naantala ang pag-uumpisa ng marathon session para sa P3.757 Trillion kaninang alas-10 ng umaga matapos ang all member caucus na ipinatawag ng House Leadership.

Natuklasan nila House Speaker Gloria Arroyo at House Majority Leader Rolando Andaya na may isiningit na P55 Billion na halaga para sa mga proyekto ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa ilalim ng 2019 budget.


Napag-alaman na may ibang alokasyon na binawasan para lamang mapunuan ang pondo ni Alvarez.

Ayon sa source na dumalo sa ipinatawag na caucus, iniutos nila Andaya kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na alisin ang P55 Billion na pondo para sa pet projects ni Alvarez.

Pero, hindi naman ito maaksyunan ni Nograles bunsod nang naiipit ito dahil ang mga top officials umano ng Malakanyang ang tumawag at ipinag-utos na huwag galawin ang alokasyon.

Sinabi pa ng source na humantong sa sigawan ang pagtatalo dito nila Andaya, Nograles at Appropriations Vice Chairman LRay Villafuerte.

Wala din umanong napagkasunduan sa caucus pero target na buksan muli ang sesyon ngayong alas dos ng hapon at aabangan kung matutuloy ang sponsorship para sa 2019 national budget.

Facebook Comments