Hindi nagamit na pondo ng DOH noong 2018, inirekomendang gamitin sa ibang healthcare projects ngayong taon

Hinikayat ni House Speaker Gloria Arroyo ang Department of Health (DOH) na gamitin ang unobligated fund o hindi nagamit na pondo ng ahensya noong 2018 bilang karagdagang pondo sa iba’t ibang healthcare projects ngayong taon.

 

Aabot sa P5 Billion ang “unobligated fund” ng DOH noong 2018 na maaaring gamitin ngayong 2019.

 

Sa joint meeting na isinagawa ng House Committee on Health at Appropriations, sinabi ni Arroyo na maaaring magamit ngayong 2019 ang hindi nagamit na budget noong 2018 salig na rin sa ipinasang resolusyon ng KOngreso na inaprubahan naman ni Pangulong Duterte.


 

Sinang-ayunan naman ito ni Health Sec. Francisco Duque kung saan malaki ang maitutulong ng pondo sa ilang naibawas na budget sa ahensya.

 

Sinilip din sa oversight meeting ang gastos ng DOH, performance ng ahensya mula 2017 at tinalakay din ang budget para sa 2020.

 

Ngayong taon ay bumaba ng 34% ang budget ng DOH mula sa P106 Billion noong 20118 sa P70 Billion ngayong 2019 bunsod na rin ng transition sa cash-based budgeting.

Facebook Comments