Manila, Philippines – Nabigo ang bansang Vietnam at Thailand na tapatan ang referrence price ng National Food Authority (NFA), para sa pag aangkat ng 250,000 metric tons ng bigas sa ibang bansa.
Sa katatapos lang na public bidding ng NFA, nag-alok ang bansang Vietnam ng 540 US dollars per metric tons.
Samanatalang, mas mababa naman ang alok ng Thailand na pumapatak sa 530 US dollars per tons.
Pero mas mataas pa rin ito kumpara sa referrence price ng NFA na 474.18 US dollars per metric tons.
Kaugnay nito, binigyan pa ng pagkakataon ng NFA ang dalawang bansa hanggang mamayang alas tres ng hapon, para tapatan o ibaba pa ang kanilang presyo.
Facebook Comments