Tricycle Driver sa Roxas Isabela, Sinaksak ng Isang Car Wash Boy!

Roxas, Isabela – Sinaksak ng isang car wash boy ang traysikel drayber dahil sa hindi lamang pagkakaintindihan ng mga ito kahapon sa Brgy. Matusalem, Roxas, Isabela.

Tinamaan sa likod ang biktima na kinilalang si Nickson Dancel Lacaden, tatlumpu’t walaong taong gulang, may asawa, samantalang ang suspek ay si Romeo Delos Santos Domingo, dalawampu’t anim na taong gulang, may asawa at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sa karagdagang imbestigasyon na isinagawa ng pamunuan ng PNP Roxas, tumakas ang suspek pagkatapos na masaksak nito ang biktima ngunit kaagad na nahuli sa tulong ng mga opisyal ng barangay.


Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek kung saan ay inaalam pa ng mga otoridad ang malalim na motibo ng pananaksak at inihahanda na ang kasong kakaharapin ni Domingo.

Facebook Comments