HINDI NAKATIIS! | Mister na hindi makatulog dahil sa hilik ni misis – napatawag sa 999

Isang lalaki na Umano ay pinagkaitan ng mahaba at masarap na tulog ng kanyang misis ang napilitan nang magpa-rescue sa 999.

Reklamo ng lalaki sa West Midlands Police (WMP), pagod na pagod siya galing trabaho pero halos hindi na siya nakakapagpahinga dahil sa sobrang lakas maghilik ng kanyang asawa!

Inihalintulad pa niya sa humaharurot na motorbike ang hilik ng kanyang misis.


Napailing na lang habang nagpipigil sa pasensya ang call handler ng lalaki.

At dahil hindi naman ito police matter, hindi na nagpadala ng mga pulis sa bahay ng complainant sa halip ay pinayuhan na lang siya ng call handler na humingi ng medical advice sa doktor oras na magising ang kanyang asawa.

Facebook Comments