Hindi pagpaparusa ng DepEd sa nag-viral na guro na nagsesermon sa kanyang nga estudyante, suportado ng ACT Teachers Party-list

Hindi pagpaparusa ng DepEd sa nag-viral na guro na nagsesermon sa kanyang nga estudyante, suportado ng ACT Teachers Party-list

Ikinalugod ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na pinagsabihan lang at hindi na paparusahan ng Department of Education (DepEd) ang nagviral na guro habang sinisermonan ang kanyang mga estudyante.

Ayon kay Castro, alam naman ng lahat na napakabigat ng working conditions ng mga guro sa ngayon at problema pa sila sa maliit ng sahod, malaking class size, mga hinahabol na urgent reports kasama ang dagdag na mga administrative at ancilliary tasks.


Paliwanag ni Castro, ito ang dahilan kaya minsan ay napupuno na rin talaga ang mga guro pero dapat ay sa mas maayos na paraan ng mga ito inilalabas ang kanilang sama ng loob.

Bunsod nito ay inirekomenda ni Castro ang dagdagan na guidance councilors at psychologist sa mga paaralan gayundin ang paglulunsad ng mental health activites para hindi nagkakaroon ng outbursts o mental breakdown ang mga guro, estudyante at iba pang mga nasa eskwelahan.

Kasabay nito ay umaapela rin si Castro sa Kamara na ipasa na ang mga panukala na magbibigay ng proteksiyon sa mga guro at instructors laban sa mga walang basehang akusasyon ng pag-abuso sa mga bata.

Facebook Comments