Manila, Philippines – Hinamon ni United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCR) Zeid Ra’ad Al Hussein si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa psychiatric evaluation.
Kasunod na rin ito ng patutsada ng Pangulo sa ilang UN officials na pumupuna sa war on drugs ng pamahalaan.
Ayon kay Zied, hindi nila mapapalagpas ang mga atake ng Pangulo kay UN special rapporteur on extra judicial killings Agnes Callamard.
Sabi pa ni Zeid, may report din kung saan pinagbantaan ng Pangulo si Callamard na sasampalin ito.
Ilang ulit nang binabatikos ng United Nations ang pina-igting ang Oplan Tokhang ng Duterte Administration kung saan mahigit apat na libong suspek sa iligal na droga ang napapatay dahil nanlaban.
Facebook Comments