WALANG GALANG | Pahayag ng UN Chief laban kay Pangulong Duterte, pinalagan ng DFA

Manila, Philippines – Pumalag si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa statement ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na dapat magpa-psychiatric evaluation si Pangulong Duterte.

Ayon sa kalihim, hindi papayagan ng bansa ang mga iresponsable at walang paggalang ang komento sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Aniya, nakakadismaya at nakakabahala ang ganitong komento ni Zeid dahil isa itong pagmamalabis sa mandato at pang-iinsulto.


Sabi pa ni Cayetano, nakakasira din ang mga pahayag ni Zied hindi lamang sa pinuno ng bansa kundi maging sa reputasyon ng Office of the High Commissioner.

Facebook Comments