HINDI PRANING | I-ACT, nag react sa pagtawag sa kanila ng Piston na praning

Manila, Philippines – Pinalagan ni JQRT Spokesperson at LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ang pagtawag sa kanila ni Piston National President George San Mateo na praning kaya kinansela nito ngayong araw ang number coding scheme.

Ayon kay Lizada, hindi sila praning kundi pinanapangalagaan lamang nila ang kapakanan ng riding public.

Natuto na aniya ang gobyerno dahil sa nakalipas na panahon ay istilo ng Piston na palitawin na kilos protesta ang kanilang gagawin pero nauuwi sa tigil pasada.


Aniya, ibahin ni San Mateo ang Duterte administration sa nakalipas na administrasyon na hindi ipinatupad ang batas laban sa mga bulok at nagbubugang usok na sasakyan.

Sa katunayan, ang grupo ni San Mateo ang notoryus na hindi sumunod na i rehabilitate o imintini ang road worthiness ng kanilang ipinapasadang sasakyan.

Idinagdag ni Lizada na kasado na ang Joint Quick Response Team (JQRT) on Transportaion and Disaster para tugunan ang temporary shortage ng pampasaherong jeep.

Facebook Comments