Hindi responsableng paggamit ng kuryente ang pangunahing sanhi ng mga naitalang sunog sa Dagupan City mula noong Enero, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan.
Sa ulat ng BFP kahapon, Marso 9, karaniwang nagmumula ang mga insidente ng sunog sa mga electrical fault.
Kabilang dito ang isang sunog sa pamilihan noong nakaraang linggo na umano’y nagsimula sa isang water dispenser na walang laman ngunit naiwang nakasaksak sa kuryente.
Bukod dito, ipinaalala ng ahensya ang mahigpit na pagbabawal sa open burning of garbage alinsunod sa Clean Air Act of the Philippines.
Samantala, inihayag naman ng pamahalaang lungsod ang planong pagtatabas ng mga tuyong damo sa Dagupan bilang hakbang upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sunog lalo na ngayong tag-init.
Paalala ng BFP sa publiko—maging maingat sa paggamit ng kuryente at agad na i-report sa ahensya ang anumang emergency na may kaugnayan sa sunog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










