HINDI SAPAT | Ilang aplikante na lumahok sa job fair ng labor department kahapon, bigong makahanap ng trabaho

Manila, Philippines – Bigo ang karamihan sa mga aplikante partikular na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagbakasakali sa job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pasay kahapon

Ayon sa DOLE, nasa 20 porsiyento ang nakukuha o “hired on the spot” sa mga job fair pero nasa 28 pa lang sa mga aplikante ang nakuha on-the-spot bago mag-alas-dos ng hapon.

Tingin ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, pahiwatig ito na marami pa sa mga aplikante ang kailangan ng skills upgrade.


Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, nasa job fair din ang TESDA para hikayatin ang mga aplikanteng di natatanggap na magsanay pa sa skills na hinahanap ngayon ng employers.

Nasa 13,000 trabaho ang puwedeng apply-an sa job fair ng DOLE, kabilang na rito ang 5,000 trabaho abroad at 8,000 naman sa lokal.

Matapos ang job fair, naghahanda naman ang TESDA sa job bridging program para sa mga nangangailangan ng training at skills upgrade sa Abril 5-6.

Facebook Comments