BAKASYON | Dating Senador Jinggoy Estrada, pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe patungong Amerika

Manila, Philippines – Pinayagan na ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makabiyahe papuntang amerika.

Simula sa April 30 hanggang May 30 ang hiniling ni Estrada para dumalo sa isang pagtitipon.

Bukod dito, sasailalim din siya sa isang medical consultation at magbabakasyon kasama ang pamilya.


Binigyan na lang si Estrada ng hanggang sa susunod na Lunes para maisumite sa Sandiganbayan 5th division ang kaniyang full itinerary.

Inaprubahan ng korte ang motion to travel ni Estrada sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaniyang kaso kaugnay sa pork barrel fund scam.

Facebook Comments