HIGPIT SEGURIDAD | Seguridad sa mga bus terminal at pantalan, pinaigting pa ngayong Semana Santa

27

Manila, Philippines – Mas pinaigting ang seguridad sa mga terminal at pantalan sa iba’t-ibang lugar sa bansa bilang hakbang para sa ligtas na biyahe ngayong Semana Santa.

Ininspection na ng mga kinatawan ng Coast Guard, Highway Patrol Group (HPG) at Philippine National Police (PNP) ang mga pantalan ng Lucena City, Batangas Port at ilang mga terminal kahapon.

Ang PCG, nakapagtala na ng mahigit 60,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Todo higpit naman ang LTO na nagsagawa ng inspeksyon sa ilang bus terminal.

Inaasahang mas darami pa ang mga pasahero sa Miyerkules na huling araw ng mga pasok sa mga opisina.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad na iwasan nang magdala ng mga ipinagbabawal sa mga bagahe para hindi maantala ang biyahe.

Facebook Comments