Dahil dito, nais ni Mamba na magkaroon ng kakatawan sa sektor ng magsasaka sa kanilang probinsya para labanan ang anumang anomalya ng korapsyon at magkaroon ng sariling boses para ipaglaban ang hindi tamang nangyayari na kagagawan din mismo umano ng gobyerno na sumasakop nito.
Kabilang rin sa reklamo ang abono na umano’y hindi nakakarating sa sapat at tamang panahon sa mga magsasaka.
Paliwanag umano ng kagawaran na ang dahilan ng hindi pagtubo ng certified seeds ay dahil sa climate change, ngunit ang binibiling binhi sa pribado ay tumutubo naman.
Para kay Mamba, mahalaga na ipaglaban ang karapatan at manindigan sa ikakabuti ng mga magsasaka sa Cagayan at sa buong Rehiyon Dos laban sa mapagsamantala na nasa gobyerno.
Ilan sa sinabing basehan dito ng opisyal ay kung paano ang updating ng DA sa kanilang master listing sa mga tunay na mga magsasaka; kung ilang ektarya ang kanilang mga sinasaka; ang mga ibinababang subsidy o tulong ay dapat rin na on time at magagamit talaga ng mga magsasaka; dapat totoo ang bilang ng mga ibinibabang tulong at walang korapsyon, dahil kawawa na ang mga magsasaka ayon pa sa kanya.
Iginiit rin ni Mamba na hindi rin dapat maging abusado ang mga lider ng nasa gobyerno sa mga magsasaka dahil hindi na kumikita ang mga farmers bunsod ng mahal na farm inputs.