Manila, Philippines – Bukas ang mga Senador sa panukalang Charter change o Cha-cha pero hindi nila ito prayoridad at maliit ang tsansa na mailusot ito ngayong taon.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, pinagsumite nya ang bawat Senador ng hanggang tatlong priority measures at wala sa mga ito ang nagsumite ng panukala para amyendahan ang saligang batas.
Binanggit din ni Sotto, na sa caucus ay napgkasunduan ng mga Senador na hintayin ang report na ilalabas ng committee on constitutional ammendments and revision of codes kaugnay sa mga pagdinig na isinasagawa nito ukol sa Cha-cha.
Bunsod nito ay sinabi naman ni Senator Bam Aquino na imposible nang matupad pa ang timetable na inilabas ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na nagtatakda ng plebisito para sa Cha-cha sa may 2019.