HINIGPITAN | Seguridad para sa taunang Alay Lakad sa Antipolo City, tiniyak ng Rizal PDRRMC

Manila, Philippines – Magtatayo ng 37 police assistance centers sa tatlong pinakadinarayong bayan sa taunang Alay Lakad patungo sa Antipolo Cathedral.

Ayon kay Dong Malonzo ng Rizal PDRRMC, ito ay upang matiyak ang seguridad ng daragsang libo-libong deboto ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Magkakaroon din ng Public Assistance Centers ang mga madaraanang munisipyo.


Nakaantabay din upang magbigay ng dagdag na seguridad ang Bureau of Fire Protection, Philippine Army, at mga NGO.

Nasa animnaraang pulis at dalawng libo at animnaraang volunteer ang ipakakalat sa mga rutang daraanan ng mga deboto.

Muli namang pinaalalahanan ng Rizal PDRRMC ang mga lalahok na deboto na sundin ang mga road sign patungo sa Antipolo Cathedral, at manatili sa kanang bahagi ng daan dahil gagamitin ang left lane para sa mga ambulansya, rescuer at police mobile patrol.

Facebook Comments