Kinilala ang nasabing suspek na si Bryan Tolentino, 18-taong gulang, at residente ng Pinmilapil, Sison, Pangasinan.
Ayon sa ibinahaging impormasyon ng CIDG Nueva Vizcaya, nauna ng ipinaalam ng Nueva Ecija ang sakanilang tanggapan tungkol sa isang indibidwal na pinaghihinalaang nangkarnap ng motorsiklo dahil sa nakita itong ang suspek na may itinutulak na motorsiklo.
Samantala nang tanungin ang suspek ng otoridad ay sinabi nito na galing umano ang motorsiklo sa Solano.
Matapos maberipika, napag-alaman na walang anumang report ng nakawan ng motorsiklo noong panahong iyon sa naturang lugar.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang CIDG sa iba pang istasyon ng pulisya hanggang sa may natanggap ang mga itong report mula Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya na may isang motorsiklong nawawala.
Batay sa report, isang motorcycle Bonus 110 na pagmamay-ari ni Reonel Nipal ang nawala habang nakaparada sa harap ng kanyang bahay.
Ayon sa biktima, hatinggabi noong September 19 ng matuklasan nito na nawawala ang kanyang motor.
Matapos makumpirma na tugma ang chassis at engine number ng motor ng biktima at motor na nasa suspek, agad nagtungo sa Kaliwanagan, Nueva Ecija ang CIDG, PNP Dupax del Sur at ang biktima.
Ayon sa pulisya, dati na ring may kasong trespass to dwelling ang nasabing suspek at pinaniniwalaang kabilang ito sa isang grupo ng mga magnanakaw.
Nasampahan na ng kaukulang kaso ang suspek.