Agad isinangguni ng ilang mangingisda sa mga kinauukulan ang nakitang malaking kahina-hinalang debris na napadpad sa baybayin ng Barangay Pagali, Burgos, Ilocos Norte.
Base sa inspeksyon ng awtoridad, hinihinalang isang rocket debris ang natagpuan dahil sa hugis nitong cylindrical na tila may kabiyak at may chinese markings.
Bigong marekober sa mula pampang ang naturang debris dahil sa sama ng panahon ngunit itinali ito upang hindi tangayin ng alon.
Nakikipag-ugnayan naman ang Philippine Coast Guard sa iba pang ahensya upang tuluyang matukoy ang pinagmulan nito.
Facebook Comments









