Manila, Philippines – Hinikayat DILG Undersecretary Epimaco Densing ang publiko at Local Government Units (LGUs) na gamitin ang PAGASA-DOST website upang maging handa sa tuwing may kalamidad.
Bilang komprehensibong mga impormasyon patungkol sa panahon.
Aniya, maihahambing ang bagong features ng website ng gaya sa mga international weather agencies kabilang dito ang up to date na weather forecast, visual weather map ng Pilipinas, weather satellite feed at iba pang mahahalagang alerto anunsiyo.
Napapanahon aniya ang paglulunsad ng bagong website ngayong rainy season kung kailan mananalasa na naman ang mga malalakas na bagyo.
Binigyan diin ni Densing na wala nang dahilan upang hindi magkaroon ng access sa mga mahahalagang impormasyon patungkol sa panahon dahil ang dating limitado lang sa gobyerno ay kaya nang makuha ng publiko sa pamamagitan lamang ng internet at smartphone o computer.