FIBA | Pilipinas, bigong makausad sa quarterfinals ng 2018 FIBA 3×3 World Cup

Manila, Philippines – Bigong makausad sa quarterfinals ng 2018 FIBA 3×3 World Cup ang Philippine Men’s National Basketball Team.

Ito ay kahit pa nanalo sila sa Russia sa score na 19-12 sa huling laro kahapon na ginanap sa Philippine Arena.

Nabatid kasi na bumagsak sila sa pangatlong pwesto na may 2-2 win/loss record sa Pool-C kung saan natalo sila sa team Canada sa score na 20-19 kaya at nawalan na ng tsansa na makapasok sa susunod na round.


Aminado naman si Filipino-German Christian Standhardinger na ang kakulangan nila sa experience sa paglalaro ng 3×3 ang naging dahilan kaya hindi sila nanalo sa ilan nilang mga laban.

Sa apat na miyembro ng koponan, tanging si Troy Rosario lamang ang nakapaglaro na para sa 3×3, habang sina Standhardinger, Stanley Pringle at RR Pogoy ay pare-parehong first-timers.

Facebook Comments