HINIKAYAT | Grupong Migrante, hinimok si Pangulong Duterte na tuldukan ang modern-day slavery

Manila, Philippines – Hinimok ng grupong Migrante si Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan na ang modern-day slavery sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ibinahagi ng grupo sa kanilang sa pre-SONA ang pagsusuri nila sa sitwasyon ng mga contractual workers, Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang manggagawa.

Kinalampag rin ng Migrante ang administrasyon sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law at maging ang pagtaas ng inflation na pinaka-mabilis sa loob ng limang taon.


Giit ng Migrante, mas maraming Pilipino ang nais na magpaalipin na lang sa ibang bansa dahil hindi naman sila kayang ipagtanggol sa sarili nilang bayan.

Tinawag rin ng grupo na pro-elite at anti-poor ang build build build program ng gobyerno.

Facebook Comments