HINIKAYAT | MILF, hihimukin ang MNLF at BIFF na suportahan ang BOL

Tiniyak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makikipag-ugnayan ito sa mga residente ng Mindanao.

Ito ay bilang suporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na sasalang sa plebisito bago maging ganap na batas.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Affairs Ghadzali Jaafar, susuyuin nila ang Moro National Liberation Front (MNLF) maging ang bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Ani Jaafar, hindi aangkinin ng MILF ang tagumpay ng pagresolba sa problema sa pakikipaglaban ng mga Moro sa Mindanao.

Kasama anya sa BOL ang mga tao mula sa iba’t-ibang religious beliefs, indigenous peoples at political affiliations sa rehiyon para makamit ang totoong kapayapaan.

Facebook Comments