HINIKAYAT | Publiko hinimok na tanggapin ang dagdag-singil sa pasahe

Manila, Philippines – Nanawagan ang grupong Liga ng mga Tsuper at Operators sa Pilipinas o LTOP sa mga mamamayan na huwag ng umangal sa sampung pisong pasahe na magsisimula ngayong araw.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez na dapat magkaroon ng give and take attitude sa pagitan ng mga commuter, jeepney owner at mga driver.

Paliwanag ni Marquez yung dating 9 na pisong pasahe simula ngayong araw ay magiging 10 piso sa Region 2, 3, 4 at sa Metro Manila.


Ngunit payo ni Marquez sa mga commuter huwag magbabayad kung walang official fare matrix na naka-display sa liko ng sasakyan.

Facebook Comments