Manila, Philippines – Hinikayat ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas na makipagtulungan sa Pamahalaan sap ag-popromote ng mga Programa ng Administrasyong Duterte partikular ang implementasyon ng National Identification System.
Sa talumpati ni Andanar sa top level management conference ng KBP sa Marriott Hotel ay nagpasalamat din ito sa mga Media Organizations dahil sa mga ginawa ng mga ito para sa mamamayan.
Tiniyak din naman ni Andanar na isusulong ng Administrasyon ang mas ligtas na kapaligiran para sa mga manunulat ang mga broadcaster.
Ibinida din naman ni Andanar ang mga napagtagumpayan ng Presidential Task force on Media Security sa nakalipas na dalawang taon at patuloy aniya ito sa pagtutok sa kaso ng mga napaslang na Media sa mga nakalipas na administrasyon.
Kaugnay niya ay namahagi din si Andanar ng handbook ng Personal Security Measures for Media Practitioners na published ng PTFoMS.