HINILING | FOI bill, pinaaaprubahan ng isang Kongresista dahil sa paglaganap ng fake news

Manila, Philippines – Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Kongreso na aprubahan na ang Freedom of Information Bill.

Ang nasabing suhestyon na ipasa na ang FOI Bill ay kasunod ng lumabas na SWS survey kung saan 67% ng mga Filipino internet users ay naniniwalang seryoso na ang problema sa fake news sa bansa.

Ayon kay Zarate, magandang development na nakikita na ng mga Pilipino ang `danger` sa `fake news` at umaasa siyang mas magiging critical at analytic ang publiko sa mga nangyayari sa bansa.


Makakatulong ang FOI Bill para labanan ang fake news at maiwasan na ang paglaganap ng mga maling impormasyon.

Nababahala naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na makaapekto sa demokrasya ang paglaganap ng `fake news` dahil nagagamit ito sa mga propaganda.

Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, magsilbi na sanang wake-up call ang resulta ng survey sa `fake news` para ayusin ang polisiya at disclosure ng mga impormasyon mula sa gobyerno.

Facebook Comments