Hiniling ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Korte Suprema na lumikha ng special court sa Quezon City at Manila na tututok sa mga kaso ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Kinumpirma ni PAO Chief Percida Acosta na labing-pitong civil cases na ang naisampa nila sa Quezon City Regional Trial Court Branches 91, 226, 84 at 230.
Paliwanag ni Acosta, habang nadadagdagan ang mga magulang na lumalapit sa kanila para ipa-autopsy ang mga anak na namatay sa Dengvaxia ay madadagdagan din ang mga civil cases na maisasampa sa QC RTC.
Bukod pa aniya ito sa labing pitong criminal complaints na pending ngayon sa Department of Justice (DOJ).
Facebook Comments