HINILING | Senator Ejercito, nanawagan kay Pangulong Duterte na magtalaga ng bagong Philhealth President

Manila, Philippines – Nanawagan si Health Committee Chairman Senator Jv Ejercito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng bagong Pangulo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Para kay Ejercito, dapat sibakin na ang kasalukuyang namumuno sa Philhealth na si Celestina Ma. Jude Dela Serna.

Kasunod ito ng report na gumastos umano si Dela Serna ng mahigit 627-million pesos sa kanyang madalas na pagbyahe sa tagbiliran, bohol simula ng maluklok sa pwesto noong april, 2017.


bukod pa rito ang natuklasang malalaking allowance at arawang bayad na kinukubra umano ni Dela Serna na umaabot na sa halos isang milyong piso.

Kasabay nito ay iginiit din ni Ejericto kay Health Secretary Franciso Duque, na syang Philhealth Chairman, na tiyaking hindi masasayang ang pera ng taongbayan na dapat ay ibuhos sa pangangalaga sa kalusugan ng milyun milyong mahihirap na mga Pilipino.

Facebook Comments