Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na i-download ang ‘Know Your Rights’ Application.
Ito ay sa gitna na rin ng kontrobersiya sa pinaigiting na kampanya laban sa mga tambay.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – ang ‘Know Your Rights’ App ay inilunsad nitong Disyembre 2017 para malaman ng publiko ang kanilang basic human rights sa ilalim ng batas, na maari nilang gamitin kapag inaresto sila ng mga pulis.
Kapag naka-install na ito sa inyong mobile phones ay accessible ito anumang oras na maaring makatulong sa pulis at sibilyan.
Facebook Comments