MARAMING SUGATAN | Higit 150 sugatan sa grenade attack sa Ethiopia

Ethiopia – Pumalo sa 156 tao ang sugatan habang isa ang nasawi sa isang grenade attack sa Ethiopia.

Nagsasagawa ng talumpati si Prime Minister Abiy Ahmed, nang inilunsad ng hindi pa nakikilalang indibidwal ang pag-atake sa libu-libo nitong tagasuporta.

Maswerteng nakaligtas si Ahmed matapos siyang sagipin ng mga bodyguards papalayo sa tinatayuan nitong entablado.


Sa ngayon, siyam ang kritikal habang 54 ang patuloy na ginagamot.

Facebook Comments