Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na gamitin ang social media para matigil ang mga pulitiko na magsagawa ng premature campaigning.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maaring resbakan ang mga pulitiko sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang campaign materials sa social media.
Sa pamamagitan aniya ito, matitigil ang mga pulitiko sa pagiging ‘epal’ o ‘mapapel’.
Dagdag ni Jimenez – asahan ng publiko na makakakita na sila ng mga posters kung saan nakatambad na ang mga pagmumukha ng mga pulitiko sa iba’t-ibang lugar bago pa mang magsimula ang campaign period para sa 2019 midterm elections.
Babala ng poll body, ang mga magiging kandidato ay inaasahang sasamantalahin ang paggamit ng social media para mangampanya.
Nanindigan din ang Comelec ang mga pulitiko ay dapat may delicadeza na huwag maagang mangampanya.