Pinaburan ng United Nations Human Rights Council ang resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang umano’y Extra Judicial Killings sa Pilipinas.
Sa 41st regular session sa Geneva, Switzerland 18 bansa ang bumotong pabor sa resolusyon kabilang ang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain, Ukraine , United Kingdom at Uruguay.
Labing-apat naman ang kontra kabilang ang Pilipinas, China, Bahrain, Cameroon, Cuba, Egypt, Eritrea, Hungary, India , Iraq, Qatar, Saudi Arabia at Somalia.
Habang 15 ang nag-abstain Bangladesh, Brazil, Burkina Faso, Chile, Congo, Japan, Nepal, Nigeria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo at Tunisia.
Agad namang kinondena si DFA Sec. Teodor Locsin ang naging resulta ng botohan.
Ayon sa kalihim, ibinase ang resolusyon sa maling impormasyon.