Kampo ni Cayetano at PDP Laban, magpupulong ngayon kaugnay sa House Speakership

45

Magkakaroon ng pulong mamayang gabi ang kampo ni Congressman Alan Peter Cayetano at ang PDP Laban para para talakayin ang House Speakership.

Ayon kay PDP Laban President Senator Koko Pimentel, layunin ng pulong na maplantsa ang detalye ukol sa magiging pamumuno ni Cayetano sa Kamara na masusundan ng kanilang kapartido na si Congressman Lord Alan Velasco.


Ang mga miyembro ng PDP Laban na haharap sa kampo ni Cayetano ay pangungunahan nina Congressmen Johny Pimentel at Dong Gonzales.

Ayon kay Sen Koko, ilan sa mga pangunahing pag-uusapan ay ang Committee Chairmanship at ang magiging transition period o paglilipat ng liderato ni Cayetano kay Velasco pagdating sa ikalabinlimang buwan ng 18th Congress.

Sabi ni Pimentel, nagsalita na ang pangulo tungkol sa Speakership race at asahang susunod dito ang PDP-Laban.

Facebook Comments

From Advertisers