Manila, Philippines – Tablado sa Palasyo ng Malacañang ang hiling ni NYC Chairman Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng scholarship ang mga estudyante na sasali sa mga rally laban sa pamahalaan.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, bagama’t iginagalang nila ang layunin ng hirit ni Cardema ay hindi ito maaaring gawin dahil hindi ito naaayon sa saligang batas kung saan nakasaad ang Kalayaan sa pamamahayag.
Sa katunaya aniya ay si Pangulong Duterte pa mismo ang naghimok sa taumbayan na magrally pero tiyakin lamang ng mga ito na naaayon sa batas ang kanilang malayang pamamahayag.
Hindi din aniya sapat na basehan na tanggalan ng scholarship ang mga militanteng estudyante.
Pero ibang usapan naman na aniya kung ang isang estudyante ay kasama sa pagpaplano na pagbagsakin ang Pamahalaan at lalong hindi aniya kukunsintihin ng Pamahalaan ang armadong pakikibaka ng mga magaaral.