Dumating na sa Israel si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang four-day historical visit.
Lumapag ang sinakyang eroplano ng Pangulo sa Ben Gurion International Airport 08:32 ng gabi (oras sa Israel) o 01:32 ng madaling araw (oras sa Pilipinas) kasama ang kanyang delegasyon na kinabibilangan ng mga opisyal ng gobyerno at retiring military at police generals.
Agad didiretso ang Pangulo sa Ramada Hotel para makipagkita sa higit 1,000 Pilipinong manggagawa.
Makikipagpulong din ang Pangulo kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para talakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa paggawa, turismo, kalakalan, agrikultura, counter-terrorism at security and law enforcement.
Masasaksihan ng Pangulong Duterte ang paglagda ng bilateral agreements hinggil sa employment ng Filipino caregivers, scientific cooperation and investments.
Bibisita rin ang Pangulo sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center at sa Open Doors Monument.
Sa Martes, September 4 ay makikipagkita ang Pangulo kay President Reuven Rivlin bago lumipad patungong Jordan para sa tatlong araw na official visit.