HIV | Bilang ng kaso ng HIV sa bansa ngayong taon, umabot sa higit 4,000

Manila, Philippines – Higit isang Pilipino kada oras ang nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.

Base sa datos ng Deptartment of Health (DOH), mula Enero hanggang Mayo nitong taon, nasa 4,680 na ang naitalang kaso ng HIV sa buong bansa kung saan halos 2,600 na ang nasawi rito.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau OIC Dr. Ferchito Avelino, pinakamaraming nagkaroon ng HIV ang mga nasa National Capital Region, Calabarzon at Cebu Region.


Aniya, higit sa kalahati ng nasabing bilang ay sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki nakuha ang HIV at karamihan sa kanila ay nasa pagitan ng 15 hanggang 34 anyos.

Sabi pa ni Avelino, pabata ng pabata ang mga nagkaka-HIV dahil maraming kabataang ang hindi nagagabayan lalo na sa social media.

Giit naman ni Danvic Rosadiño, project and data manager ng Love Yourself, unprotected sex ang dahilan kaya nagkakaroon ng HIV.

Kaya napakahalaga aniya sa mga aktibo sa pakikipagtalik na regular na magpatest kada tatlong buwan.

Facebook Comments