Hiwalay na mayorya sa Kamara, ilulunsad ng grupo ni dating Speaker Alan Peter Cayetano

Matapos ang tatlong buwang pananahimik ay maglulunsad si dating House Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ng sariling grupo na tataguriang “Independent Majority.”

Tatawagin naman ang grupong ito na “BTS sa Kongreso” na bubuuhin ng pitong myembro.

Bukod kay Cayetano na mangunguna sa independent majority ay kasama rin dito ang anim na mga “solid allies” ng dating Speaker kabilang sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado at Capiz Rep. Fredenil Castro.


Paglilinaw naman ni Cayetano ang independent majority ay nananatili ang suporta sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte pero magiging kritikal pagdating naman sa pamamalakad ng kasalukuyang liderato na pinamumunuan ngayon ni Speaker Lord Allan Velasco.

Sa darating na Huwebes naman ilulunsad at ipapaliwanag ni Cayetano kung paano nabuo ang independent majority at kung bakit “BTS sa Kongreso” ang pangalan ng grupo.

Facebook Comments