Magdalo Rep. Gary Alejano, naniniwalang nag-uumpisa na ang pagkakawatak-watak ng PDP-Laban

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo Rep. Gary Alejano na nag-uumpisa na ang pagkakawatak-watak ng PDP-Laban, ang partidong kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pagsasampa ng kasong graft ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kapartido nitong si Davao Del Norte Cong. Antonio Floirendo Jr.

 

Ayon kay Alejano, may crack na o may lamat na ang PDP kung kaya't anu mang oras ay posible umanong mag-collapse ang samahan ng partido.

 

Posible umanong makatulong sa impeachment complaint laban sa Pangulo ang kawalan ng pagkakaisa ng partido.

 

Binigyan diin pa ni Alejano na hindi na siya magtataka kung isang araw ay tuluyan ng mapatalsik bilang lider ng kamara si House Speaker Alvarez.


Facebook Comments