Holdaper, arestado sa QC matapos mambiktima ng isang negosyanteng ginang

Manila, Philippines – Arestado ang isang holdaper matapos na mambiktima ng isang negosyanteng ginang sa EDSA, Quezon City.

 

Kinilala ang suspek  na si Eric Hinayan, 24 anyos, habang ang biktima nito ay nakilalang si Luisa Marcelo na tinutukan ng kutsilyo at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at pera. 

 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad umano kagabi  si Marcelo sa EDSA kanto  Bansalangin Street, Barangay Veterans Village  nang lapitan ni Hinayan at tutukan ng kutsilyo at nagdeklarang holdap.

 

Mabuti na lamang humingi ng tulong sa mga nagpapatrolyang pulis ang naturang negosyante kayat hinabol ang suspek hanggang sa maaresto sa EDSA kanto ng Bulacan Brgy. Bungad.

 

Narekover sa suspek  ang isang fan knife na may sampung pulgada at ang umanoy kinuhang  iPhone 5C at 28 libong piso  na cash.


Nakapiit na sa Station 2 ng QCPD ang naturang holdaper.



Facebook Comments