Holdaper, patay sa engkwentro sa Parañaque

Manila, Philippines- Patay ang isang hinihinalang holdaper makaraang kumasa sa mga pulis sa Pelaez st., Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Hindi pa rin nakikilala ang lalaki na tinatayang 5’4″ ang taas, nakasuot ng dark brown na short pants, itim na t-shirt at tsinelas.

Rumesponde ang mga alagad ng batas sa insidente ng panghoholdap at nang mamataan ang suspek, agad itong nagpaputok nang makita ang mga pulis .


Dito na napilitang gumanti ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa ngayon ay pinoproseso na ng SOCO ang pinangyarihan ng insidente.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments