Lalaki, kritikal matapos pagbabarilin

14

Manila, Philippines – Kritikal ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong lalaki sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Aries Cruz matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, magaalas dose ng hatinggabi kanina nang pagbabarilin ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang pinsan sa number 846 Tandang Sora Avenue.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, hinabol ng apat na nakamotorsiklong suspek ang biktima hanggang sa pumasok ito sa loob ng bahay ng kanyang pinsan kung saan siya sinundan at pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek.

Nabatid na kilalang snatcher, holdaper at gumagamit ng illegal na droga ang napatay na biktima sa kanilang lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa tangkang pagpatay.

Facebook Comments