HULI | Magkakaanak na sangkot sa illegal recruitment, arestado sa QC

26

Quezon City – Arestado sa entrapment operation ang tatlong magkakaanak dahil sa illegal recruitment sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arlene Tabunot, Aaron Coronado at Robert Coronado.

Ayon kay PNP Anti-Transnational Crime Unit (PNP-ATCU) Chief Superintendent Roque Merdegia Jr., modus ng mga suspek na mag-alok ng trabaho sa Hong Kong na mayroon umanong sahod na nasa P38,000.

Aniya, pinapalabas ng mga suspek na sila ay naka-tie up sa agencies sa Hong Kong.

Hinihingan aniya ng mga ito ng P50,000 ang kanilang biktima bilang processing fee.

Nahaharap sa kasong estafa at large scale illegal recruitment ang nahuling mga suspek.

Nagpaalala naman ang PNP-ATCU sa publiko na mabuting iberipika muna sa POEA ang kanilang agency na pinag-aaplayan.

Facebook Comments