HOLIDAY SEASON | BSP, nagbabala sa nagkalat na pekeng pera

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nagkalat na pekeng pera lalo na ngayong palapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay BSP Currency Issue and Integrity Department Director Grace Malic, sa lahat ng pagkakataon ay may mga nagtatangkang maglusot ng pekeng pera.

Paliwanag ni Malic, ang tunay na perang papel ay dapat magaspang at “embossed” o nakaumbok ang mga nakalimbag.


Dapat nasasalat ang mga salitang “Republika ng Pilipinas” sa itaas na bahagi at ang halaga nito sa ibabang bahagi.

Suriin din kung may serial number ang pera sa upper right at lower left.

Ang tunay na perang papel, may isa o dalawang prefix letter na sinundan ng anim hanggang pitong numero at papalaki dapat ang sukat.

May makikita ring maliliit na hiblang asul at pula kapag tinapatan ng ultraviolet light.

Kapag itinapat ito sa ilaw, maaaninag sa blangkong bahagi ang tila anino ng mukha na nasa pera at ang salitang “Filipino” na isinulat sa Baybayin.

Facebook Comments