‘Holy Trinity’ ng mga Katoliko, kinuwestyon

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon lamang isang Diyos.

Ito ay kasabay ng pagkwestyon niya sa Trinity doctrine ng mga Katoliko o yung ‘isang Diyos sa tatlong banal na katauhan’: Ama, Anak at Espiritu Santo

Ayon kay Pangulong Duterte – kung siya ay isang Diyos, hindi niya hahayaan ang kanyang sarili na magpapako sa krus.


Hindi rin nakaligtas sa banat ng Pangulo ang napakaramaring santo ng mga Katoliko.

Pagbibiro pa ng Pangulo, bubuo siya ng kulto na tatawagin niyang ‘Iglesia ni Rodrigo’.

Facebook Comments