Holy water, ibabasbas sa ruta ng parada ng kapistahan ni St. John the Baptist bukas

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na magkakaroon ng parada bukas ang imahen ni Saint John the Baptist at magbabas din ng holy water sa mga ruta nito.

Ayon kay Mayor Zamora, 12 ang ruta sa District 1 na magsisimula sa Pinaglabanan Street at magtatapos sa Artiaga at Narciso Street. Ganito rin ang dami ng ruta sa District 2 na magsisimula sa Pinaglabanan Street at magtatapos sa Diego Street, Angeles Street at A. Bonifacio Street.

Abiso ni Zamora sa mga taga-San Juan, bawal muna ang tradisyunal na basaan ng tubig para sa Wattah Wattah Festival o Pista ng Saint John the Baptist bukas, ito’y bilang pag-iingat na rin ngayong may COVID-19.


Facebook Comments