Manila, Philippines – Handa na ang mga inilatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa paggunita ng Semana Santa.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, sa harap ng inaasahang dagsa ng tao sa mga vital installations katulad ng bus terminals, paliparan pantalan, malalaking simbahan, at mga tourist destination.
Ayon kay Dela Rosa, naka-full alert na ang kanilang hanay, pero bibigyan naman nya ng pagkakataon ang kanyang mga tauhang makapagsimba sa Holy Week upang makapagnilay-nilay habang tinitiyak ang mahigpit na seguridad.
Sa ngayon, nanatiling walang namo-monitor na anumang banta sa seguridadan PNP para sa paggunit ng Semata Santa.
Nanatili aniya silang alerto at vigilant upang matiyak na hindi makakalusot ang mga kriminal.
Nanawagan rin ang PNP ng kooperasyon ng publiko para maging mapayapa at ligtas ang paggunita ng Semana Santa.