Home care para sa mga pasyenteng may mild case ng COVID-19, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guideline para sa mapalawak pa ang quarantine at isolation protocols.

Ito ay sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon nito na maisama sa guidelines ang home care para sa mga pasyenteng may mild case ng COVID-19.


Aniya, maaaring makatulong ang home care para hindi mapuno ang mga ospital sa bansa.

“So baka mas maganda para hindi na mabilaukan ang mga ospital, eh sa bahay na lang pero kinakailangan may monitoring system in place. Mayroong mga Barangay Health Emergency Response Teams na talagang magmo-monitor kung ano ba ang estado ng pasyente, kasi hindi mo alam baka iyong mild, eh maya-maya maging moderate or severe or critical. So dapat handa kaagad kung saan dadalhin na angkop na pasilidad itong mga taong ito.”

Tiniyak naman ng kalihim na ang nasabing guidelines ay ibabase sa magiging rekomendasyon ng Technical Advisory Group of Experts.

Facebook Comments