Mahigit 150,000 doses ng COVID-19 vaccines, nakatakdang dumating sa bansa bukas

Mahigit isang daang libong COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno ang nakatakdang dumating sa bansa bukas.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, kabuuang 150,540 doses ng Moderna vaccines ang inaasahang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng China Airlines flight CI701, na lalapag ng alas-11:00 ng umaga sa NAIA Terminal 1.

Habang sa Lunes naman January 10, higit dalawang million doses ng Pfizer vaccines ang nakatakda rin dumating sakay ng Emirates Airline flight EK332 na lalapag ng alas-4:00 ng hapon sa NAIA Terminal 3.


Kabuuang 2,703,870 doses ng mga bakuna Pfizer na bahagi ng donasyon ng US government sa Pilipilipas.

Facebook Comments