MANAOAG, PANGASINAN – Isinusulong ngayon sa bayan ng Manaoag ang panukalang Home Care Support Services para sa kanilang mga residenteng senior citizens.
Nais pang pag-ibayuhin ng lokal na pamahalaan ang mga programa para sa mga matatanda sa kanilang bayan partikular na sa homecare na siyang makatutulong na mabigyan ng mga serbisyong tutugon sa pangangailangang pangkalusugan gaya ng physical at emotional, kakayahang maglakad, mga gamot na iniinom, at kanilang araw-araw na gawain.
Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pagsusulong ng ganitong klaseng programa ng LGU kung kaya’t sinimulan na rin ang orientation para sa Home Care Support Services for Senior Citizens.
Ang inilulunsad na panukala na ito ay bahagi ng selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa buong bansa kung saan binibigyang kilala ang mga kontribusyon ng mga matatanda sa lipunan. | ifmnews
Facebook Comments