Home-Quarantine sa mga LSI’s at ROF, ‘Di Ipinapayo ng LGU Naguilian

Cauayan City, Isabela- Hindi pabor ang lokal na pamahalaan ng Naguilian sa pag home quarantine ng ilang mga Locally Stranded Inviduals (LSI’s) at mga Returning Overseas Filipino sa naturang bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Juan Capuchino, magkakaroon aniya ito ng pulong ngayong araw upang pag-usapan at irekomenda na hanggat maaari ay huwag munang umuwi sa tahanan para mag home-quarantine ang mga LSI’s at ROF hanggat hindi nakukumpleto ang 14-days mandatory quarantine.

Kinakailangan aniya na matapos muna ng mga ito ang araw ng pagquarantine sa itinalagang pasilidad ng LGU para mapigilan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.


Sinabi nito na strikto ang kanilang implimentasyon sa mga quarantine protocols na dapat ay sundin ng mga LSI’s.

Lalo’t ilan aniya sa mga ito ay HINDI sumusunod sa guidelines na labag sa pinaiiral na quarantine protocols.

Samantala, wala pa rin naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) subalit mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa quarantine/ASF Checkpoint upang mapanatili na ASF Free ang bayan ng Naguilian.

Facebook Comments