Isa ka ba sa mga taong puhunan ang kanilang boses sa trabaho?Ikaw ba ay nakararanas ng pagkapaos dahil sa madalas at malakas na pagsasalita ? Alam mo ba na mayroong Home Remedy para malunasan ang iyong pamamaos ? Ilan sa mga mabisa at natural na pamamaraan ay :
SALABAT
Karaniwang sanhi ng Acute Laryngitis at pasisisigaw ang pamamaos. Ang salabat ay lunas para sa pamamaos ng iyong boses.Salabat din ang madalas na inirerekomenda ng ating mga lolo at lola bilang pangtanggal ng paos dahil ito ay subok na nila.
KALAMASI JUICE
Isa ang vitamin C na makatutulong upang lumakas ang ating immune system at isa ang kalamansi sa maaaring pagkunan nito. Makatulong ang pag-inom ng kalamansi juice na bukod sa makatutulong sa iyong pamamaos ay mabilis na makikita sa ating mga kusina at masustansya pa.
TUBIG
Marahil hindi ka madalas uminom ng tubig na isa sa mga sanhi ng pagkapaos kapag ikaw ay madalas nagsasalita. Ang pag-inom ng maraming tubig ay lubos na makatutulong sa iyong pamamaos .Kinakailangan na uminom ng di bababa sa walang (8) basong tubig ang dapat inumin sa loob ng isang araw. Mainam din kung maligamgam na tubig ang iinom at iwasan ang pag-inom ng malamig na tubig.
ASIN
Maaari ring subukan ang pag-mumuog ng asin na may kasamang maligamgam na tubig at tiyakin na tama lamang ang alat nito. At panghuli ay ang pagsasalita ng marahan at kung kinakailangan lamang.
Article written by Merlyn Cañete